Pisay RACE, binagong sistemang pamalit sa NCE

Upang umangkop sa mga hamong dulot ng COVID-19 at umalinsunod sa mga regulasyon ng gobyerno, ipinatupad ng buong sistema ng Philippine Science High School (PSHS) ang Requirements for Admission, Criteria, and Evaluation (RACE) ngayong taon bilang pamalit sa dating National Competitive Examination (NCE). Malalamang ang NCE ay taunang proseso sa pagtanggap ng mga kwalipikadong aplikante sa Philippine Science High School System, isang ahensiya ng Department…

Mga iskolar ng bayan, kinilala sa TOSIA 2020

Pinarangalan ang dalawang iskolar ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus sa birtwal na seremonya ng paggawad ng The Outstanding Students of Iloilo Awards (TOSIA) 2020 noong Setyembre 28. Sina Altair Mizar Emboltura at Rikka Grace Sombiro, parehong nasa Baitang 11, ay hinirang bilang Junior High School Awardees ng TOSIA Batch MaXIma sa isang Facebook live. “Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na…

Destressing activities, idinaos ng SA

Nagsagawa ng destressing activities ang Student Alliance (SA) ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) na pinangalanan nilang “Pahuway” mula Nob. 2 hanggang 6, 2020 upang pasayahin ang mga iskolar sa kasagsagan ng academic break. Kinapalooban ang Pahuway ng apat na aktibidad: “Among Pisaynons”, isang bersyon ng larong “Among Us” na binuksan para sa lahat ng mag-aaral; interbatch e-games o mga larong online na…

1st Virtual STEM Day, ipinagdiwang ng PSHS-WVC

Upang maitaas ang kakayahan ng mga iskolar sa agham, matematika, at teknolohiya sa kabila ng pandemyang nararanasan ngayon, nagkaroon ng kauna-unahang pagsasabirtwal ng Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) Day ang Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) nitong Set. 28, 2020. “Ang pangunahing mga misyon ng aking kinabibilangang organisasyon, ang DOST, ay paglikha ng imbensyon, pagsasaliksik ng kinakailangang kaalaman sa siyensya at pagbabahagi nito…

Guro ng PSHS-WVC, pinarangalan sa taunang ‘In Touch with Excellence’

Kinilala ang isa sa mga guro sa Matematika at Kimika ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) sa birtwal na seremonya ng In Touch with Excellence, noong Dis. 3, 2020. Si Elizalde Miguel Flores ay nagtapos na magna cum laude sa kursong BS Chemical Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas – Visayas. Isa siya sa mga nakatanggap ng MERIT Scholarship na kabilang sa mga gawad…

PSHS-WVC, nag-anunsyo ng academic break

Magpapatupad ng isang linggong academic break o pagtigil ng klase ang Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) mula Nobyembre 2 hanggang 6 batay sa inilabas ng Curriculum and Instruction Division (CID) na Memorandum Order No. 2020-10- 55 ngayong araw. Iginiit dito ng CID na maaari lamang magsumite ng mga awtput sa Nobyembre 2 at 3 subalit hindi na ito pinahihintulutan pagdating ng ika-4 hanggang…

2 Pinoy patay, 8 sugatan sa pagsabog sa Lebanon

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na dalawang Pinoy ang namatay at walo ang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon, Agosto 4.   Ayon sa Philippine Embassy sa Lebanon, lahat ng mga nasabing Pinoy ay nasa bahay ng kanilang mga employer nang nangyari ang pagsabog.  Pumalo sa 80 ang kabuuang bilang ng mga namatay at 4000 naman ang sugatan na inaasahang tataas pa habang patuloy…

Team PSY ng PSHS-WVC, nagwagi sa RSTW 2020 Vlog Competition

Nasungkit ng Team PSY mula sa Philippine Science High School-Western Visayas Campus ang pangalawang lugal sa “YES! TV Vlog Competition: Got a bright SciDea contest!” ng Department of Science and Technology Region VI sa kagaganap lamang na Regional Science and Technology Week 2020. Binubuo ang naturang grupo ng limang Grade 11 na mga iskolar ng paaralan na sina Alliyah Robles, Altair Mizar Emboltura, Elisha Eusebio,…

Kanlurang Visayas, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Naramdaman ang magnitude 4.5 na lindol sa iilang bahagi ng Kanlurang Visayas nitong 9:35 n.u. ng Biyernes, Oktubre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 14 kilometro timog-kanluran ng bayan ng San Joaquin sa probinsya ng Iloilo na may lalim na 6 kilometro mula sa ibabaw ng lupa.  “Nagkakaroon kami ng online consultation noong naramdaman…