Nagsagawa ng destressing activities ang Student Alliance (SA) ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) na pinangalanan nilang “Pahuway” mula Nob. 2 hanggang 6, 2020 upang pasayahin ang mga iskolar sa kasagsagan ng academic break.

Pinagkunan ng larawan: PSHS-WVC Student Alliance
Pinagkunan ng larawan: PSHS-WVC Student Alliance

Kinapalooban ang Pahuway ng apat na aktibidad: “Among Pisaynons”, isang bersyon ng larong “Among Us” na binuksan para sa lahat ng mag-aaral; interbatch e-games o mga larong online na nilahukan ng mga manlalaro mula sa iba-ibang baitang; “Pautwas”, isang patimpalak sa pagsulat ng hugot ng mga estudyante; at “PAT o Pahuway ang Tanan” na isang pagpapaskil ng SA sa Facebook ng pampa-good vibes na mga kasabihan.

“Iminungkahi at isinakatuparan ng SA ang Pahuway sa layuning bigyan ang mga iskolar at guro ng pahinga mula sa maraming gawaing pang-akademiko at epektibong maiwaksi ang stress,” bahagi ng pahayag ni Maxinne Louise Dominique Co, presidente ng SA. 

Pinagkunan ng mga larawan: PSHS-WVC Student Alliance

Ang sumusunod ay mga nanalo sa mga patimpalak na ginanap sa Pahuway

  • Mobile Legends: Bang Bang ­— Team 4 ni Rampola 
  • Call of Duty: Mobile — Team 3 ni Celendro 
  • League of Legends — Team 2 ni Yap  
  • Pautwas — alyas Taho.

Ang nasabing mga aktibidad ng SA ay boluntaryo lamang at bukas sa lahat ng iskolar ng PSHS-WVC.

Leave a Reply

Your email address will not be published.