PSHS-WVC, nag-anunsyo ng academic break

Magpapatupad ng isang linggong academic break o pagtigil ng klase ang Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) mula Nobyembre 2 hanggang 6 batay sa inilabas ng Curriculum and Instruction Division (CID) na Memorandum Order No. 2020-10- 55 ngayong araw. Iginiit dito ng CID na maaari lamang magsumite ng mga awtput sa Nobyembre 2 at 3 subalit hindi na ito pinahihintulutan pagdating ng ika-4 hanggang…

Kanlurang Visayas, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Naramdaman ang magnitude 4.5 na lindol sa iilang bahagi ng Kanlurang Visayas nitong 9:35 n.u. ng Biyernes, Oktubre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 14 kilometro timog-kanluran ng bayan ng San Joaquin sa probinsya ng Iloilo na may lalim na 6 kilometro mula sa ibabaw ng lupa.  “Nagkakaroon kami ng online consultation noong naramdaman…